Connect with us

Entertainment

Ang Muling Pagkabuhay ni Neo The Matrix 4!

Published

on

the matrix 4

Mga Matrix Fans out there! Handa na ba kayong marinig ang bagong balita galing Zion?

“This is your last chance. After this, there is no turning back. You take the blue pill — the story ends, you wake up in your bed and believe whatever you want to believe. You take the red pill — you stay in Wonderland and I show you how deep the rabbit-hole goes.” – Morpheus


Nakapili ka na? Kung ang tinanggap mong capsule ay pula, huwag ka nang magduda, dahil magbabalik na ang hit film na Matrix! With Lana Wachowski bilang writer at direktor ng bagong pelikula.

Opisyal na inanunsyo ang Matrix 4 noong August 2019, at natapos ang filming noong November 2020, ngunit nag karoon ng mga delay dahilan sa pandemiya.

Neo The Matrix

Makikita muli ang paborito nating “The One” na si Neo (Keanu Reeves) at si Trinity (Carrie-Anne Moss).

Babalik rin sa eksena sina Agent Johnson (Daniel Bernhardt)
at si Niobe (Jada Pinkett Smith), na lumabas din sa The Matrix Reloaded and The Matrix Revolutions.

May mga bagong “cast” din na makikita sa palabas tulad ng rising star aktor na si Yahya Abdul-Mateen II, maalala mo siya sa role niya sa Aquaman bilang Black Manta. Makikita niyo rin ang Marvel star na si Jessica Henwick at ang komedyanteng aktor, na si Neil Patrick Harris.

Jessica-Henwick

Pero sina Laurence Fishburne, ang original na Morpheus at si Hugo Weaving na kilala bilang Agent Smith ay maaring hindi na makasali sa bagong pelikula.

Kung napanood niyo ang Matrix Trilogy maari matanong niyo, paano nangyari na babalik sila Neo at Trinity samantala namatay sila noong Matrix Revolution? Ang sagot? Hindi ko rin alam. Hanggang ngayon, wala pa ring masyadong kaalaman pagdating sa pelikula.

Kung ano ba ang setting? Sequel ba ito ng Trilogy, prequel o alternate universe? Wala pang nakakaalam. Kahit ang title rin ng Matrix 4, wala pa ring official announcement.

Pero may mga theories at mga rumors na agad lumalabas kung paano nabuhay muli si Neo.

Isa sa mga theory nila ay, teka, bago ko sabihin, kung tunay kayong Matrix fan, ilan beses namatay si Neo sa pelikula? Kung hindi ka sigurado, panoorin mo ulit ang palabas, kailangan mo mag-review.

Dalawang beses ang sagot. Sa unang part plang ng Matrix, namatay na agad si Neo, kung tama ka, yehey! So to continue, sinasabi nila na tulad sa unang part ng Matrix, maari mabuhay ulit si Neo thanks to the power of love ni Trinity (sana all). Pero, again, mga theory lamang ito.

Neo dies in Matrix 1

Pagkatapos mo basahin ang article na ito, baka hanapin mo ang trailer ng Matrix 4, pipigilan kita agad para hindi masayang efforts mo, dahil, wala pang nilalabas na trailer.

Pero sigurado na ire-release ito ng Warner Bros sa December 22, 2021 sa mga sinehan at mapapanood din sa HBO Max sa US sa parehong itinakdang petsa.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *