Connect with us

Entertainment

No make-up look ni Regine Velasquez, ibinuking ni Ogie Alcasid

Published

on

Marami ang naaliw nang makita si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid na walang make-up.

Ipinakita ni Ogie Alcasid sa kanyang Youtube channel ang itsura ng natutulog na misis kung saan maraming nakapansin sa natural na ganda ni Regine.


Sa unang bahagi ng video, makikitang bahagya pang nakanganga ang singer habang natutulog hanggang sa nagising ito.

Kitang-kita ang natural na ganda nito dahil kakagising pa lang at wala pang make-up.

Game na game rin itong nakipagkulitan sa mga viewers ni Ogie ng walang arte.

“Wow! Ang fresh and blooming ni Ms. Reg shookt ang gandaaaa,” komento ng isang netizen na si Lyn DM.

Sey naman ng isa, “Song bird is really beautiful even no make-up!”

“Happy to see Ms. Reg so natural na ok lang humarap sa camera without any make up or kahit powder…still pretty, ” ayon pa sa isang viewer.

Natawa na lang ang dalawa sa reaksyon ng mga viewers sa kilay ni Regine.

“Bakit yung kilay ng idol ko eh mukang paMonalisa na sa vlang na itechiwa! love you miss Reg,” komento pa ng isang fan.

Sanay ang publiko na makitang naka-make up ang mga singer lalo na at may image sila na kailangan pangalagaan.

https://www.youtube.com/watch?v=CMHvOJEYiXY&t=1331s

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *