Connect with us

Entertainment

MJ Lastimosa, nilaglag si Rabiya sa socmed: “Tawa now iyak later”

Published

on

Dinagsa ng samu’t-saring reaksyon ang komento ng beauty queen na si Mary Jean “MJ” Lastimosa sa isang Instagram post ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na kakagaling lang sa break-up.

Sa kanyang Instagram account, nag-upload si Rabiya ng larawan na nakangiti sa isang sikat na medieval-style Tuscan castle winery na Castello di Amorosa sa California.


“As you travel, you get to experience what life truly means,” saad sa caption nito.

Nag-iwan ng pabirong post sa Instagram si MJ na tila hindi nakasama sa lakad.

Nangunguna sa comment section ang komento nito na, “Luh luh luh tawa now iyak later [emojis].”

Maraming netizens ang natawa sa biro ni MJ, karamihan ay naloka rin dahil feeling nila ay nilaglag nito si Rabiya dahil kasunod lamang ito ng pag-amin ng long time non-showbiz ni Rabiya na si Neil Salvacion na hiwalay na sila.

“To yung klaseng kaibigan nanlalaglag sa socmed HAHAHAHAHAHA nako po,” reaksyon ng isang netizen.

“Mareng mj panira ka talaga HAHHAHAHHAA,” sey pa ng isa.

Naging mas close ang dalawa lalo na at isa si MJ sa mga judges na pumili kay Rabiya para maging representative ng Pilipinas sa Miss Universe 2020 pageant.

Ilang beses ding ipinagtanggol ni MJ si Rabiya mula sa mga bashers nito.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.