Connect with us

Entertainment

Rufa Mae, iyak sa hirap ng buhay sa US: ‘Ito lang ba ang bagsak ko? Maghugas ng plato’

Published

on

Photo|Lionheart.tv

Isiniwalat ni Rufa Mae Quinto ang hirap na dinanas niya sa pag-adjust nang manirahan sa United States.

Nakapanayam ni Pia Arcanghel sa “Tunay Na Buhay” si Rufa kung saan ibinahagi nito ang naging buhay sa America.


Inamin ni Rufa na miss na niya ang showbiz industry sa Pilipinas, “Oo, miss na miss ko talaga, grabe.”

Sinabi pa ng aktres na hindi niya sukat akalain na tagahugas daw ng plato ang bagsak niya sa ibang bansa.

“Tuwing nakikita ko yung mga artista, sasabihin ko sa sarili ko, tuwing naghuhugas ako ng plato, ‘after everything I’ve done, sumikat ako sa Philippines, ito lang ba ang bagsak ko? Maghugas ng plato? Hirap na hirap ako nu’ng una.
Umiiyak-iyak pa ako. End of the world na para sa akin nu’ng una ko dito,” saad ng aktres.

Sa kabila ng matinding sakripisyo bilang ilaw ng tahanan ay maligaya naman daw siya dahil sa kanyang pamilya.

“Sabi ko mas mabuti na rin ‘to dahil nakikita ng anak ko yung tunay na buhay,” ani Rufa.

“Ako lahat dito kaya wala ka na talagang time para sa kung anu-ano. Kung hindi importante o trabaho, hindi na ako dapat lumabas kasi mag-fall down yung bahay,” dagdag pa niya.

Lumipad sa US ang komedyana nitong nakaraang taon kasama ang kanyang anak na si Alexandria para mag-celebrate ng Valentine’s Day kasama ang asawa na si Trevor Magallanes.

Sa kasamaang palad, ang sana ay two-week vacation nila ay umabot sa 2021 dahil sa COVID-19 pandemic.

Plano niyang bumalik ng Pilipinas ngayong taon para mag-asikaso ng ilang personal na bagay.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.