Connect with us

Entertainment

Mga bago at kapanapanabik na palabas ngayong buwan ng Hunyo para i-Binge watch sa Netflix,HBO, at Disney+

Published

on

Fantasy-Adventure

Abangan at panoorin ang mga bagong palabas na drama, katatakutan at fantaserye sa iyong paboritong streaming platforms. Malibang at gawing kaayaaya ang pananatili sa loob ng tahanan ngayong buwan ng Hunyo.

Sa Biyernes ng gabi bukas, ang pinaka- hihintay na oras para makapag pahinga at syempre manood ng mga paborito nating pelikula at teleserye.


Loki

Loki

Ito na, maipapalabas na rin sa wakas sa Disney+ ang isa sa pinaka-paborito nating karakter sa Marvel Universe, na walang iba kundi si Loki (Tom Hiddleston), the God of Mischief. Ang mga eksenang mapapanood ay naganap pagkatapos ng Avengers: Endgame, kung saan ang alternate version ni Loki ay may hinaharap na dilema: tumulong sa pag-ayos ng timeline at pigilan ang isang mas malaking banta o mabura ang kanyang buong karakter, sapagkat siya’y isang time-variant. Mapapanood ang Loki sa Hunyo 9, 2021.

Lupin

lupin-part-2

Kayo’y ba mahilig sa mga mystery at crime film? Tamang-tama ang teleseryeng ito para sa iyo! Panoorin ang Lupin (Netflix Original). Ayon ito sa isang classic French novel patungkol kay Arsène Lupin (Omar Sy), sumikat sa pagiging maginoong kawatan at henyo sa paglilinlang.

Oslo

Oslo-2021

to’y napapanahong pelikula at halaw sa Tony award-winning play nang parehong pangalan, Oslo. Batay sa mga tunay na mga pangyayari, ito’y patungkol sa back-channel na negosasyon sa pagitan ng Israel at PLO (Palestinian Liberation Organisation). Mapapanood na ito sa HBO Go at HBO at pagbibidahanan nila Ruth Wilson, Andrew Scott, and Jeff Wilbusch.

Sweet Tooth

sweeth-tooth

Abangan ang bagong fantasy series na ilalabas ng Netflix bukas (June 4), na may pamagat na Sweeth Tooth. Sa seryeng ito, isang grupo ng mga hybrid na mga bata (part-human, part-animal) ang pinaghahabol at pinag hahanap ng mga tao dahil sa kanilang uniqueness, matapos ang isang apocalyptic event. Isang nakakaantig at makabagong uri ng pagkakaibigan. Samahan si Gus isang hybrid deer-boy sa kanyang pakikipagsapalaran at ang lonely vagabond sa paghahanap kung ano ang tunay na kahulugan ng tahanan.

The Handmaid’s Tale

the-handmaid's-tale

May panibagong season na ang inaabangang Hulu’s Emmy award-winning dystopian TV series, The Handmaid’s Tale! Ito’y
eksklusibong mapapanood lamang sa HBO Go. Subaybayan ang matapang nating bida na si June (Elizabeth Moss) kung saan siyang mangunguna sa pakikipaglaban kontra sa Gilead. Sa kasamaang palad, ang kanyang pakikipag-sapalaran sa pagkamit ng hustisya ay mauuwi sa pagkasira ng kanyang relasyon sa mga mahal sa buhay.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *