Connect with us

Entertainment

MGA PREMYO NI MISS UNIVERSE 2020 ANDREA MEZA, SILIPIN

Published

on

PHOTO/S: BENJAMIN ASKINAS FOR MISS UNIVERSE ORGANIZATION

Kinoronohan bilang Miss Universe 2020 si Andrea Meza ng Mexico sa grand coronation na ginanap sa Seminole Hard Rock & Casino sa Hollywood, Florida ngayong May 17, (Philippine time).

Napanalunan ni Andrea ang Power of Unity Crown na gawa ng Mouawad, isang jewel company na nadiskubre ng isang jeweler at Lebanese watchmaker na si David Mouawad noong 1891.


Ang naturang korona ay may 1,770 diamonds, may bigat na 167 carats at 18-karat gold na nagkakahalaga ng $5 million o may nasa PHP253 million.

Pero bukod sa mamahaling korona, makakatanggap rin si Andrea ng prize package.

Kabilang dito ang isang taong sahod bilang Miss Universe, luxury accommodations sa isang apartment sa New York City habang hawak niya ang titulo.

Isang taong supply ng mga produkto ng Sherri Hill, Ema Savahl Couture, Invisi Smart, Jojo Bragais, at O Skincare & Med Spa na sponsor ng Miss Universe. Seven-day cruise sa Carnival Cruise Line’s brand new ship na Mardi Gras.

Libreng dental services, personal care services, health consultations, at gym membership.

Magkakaroon din siya ng sariling fashion stylist mula sa Miss Universe Organization at modeling stints portfolio mula sa mga tanyag na fashion photographers gaya ni Fadil Berisha.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.