Connect with us

Entertainment

Bakit hindi nasuot ni Rabiya ang kanyang headpiece?: Shamcey Supsup may paliwanag

Published

on

Marami ang nagtaka kung bakit hindi nasuot ng pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo sa Miss Universe National Costume ang kanyang sun headpiece.

Sa isang video, ipinaliwanag ni Miss Universe 2011 runner-up at Miss Universe Philippines national director Shamcey Supsup-Lee kung ano ang dahilan kung bakit.


Pahayag ni Shamcey, dinala niya ang head dress na dinesenyo ni Manny Halasan na isang jeweler sa Bulacan pero nagpasiya sila na huwag na lang isuot dahil nahuhulog at hindi kumportable si Rabiya.

“I’m pretty sure alam niyo naman na I brought the head dress, the headpiece for Rabiya but unfortunately it was nahuhulog so it’s hard for her to wear it so we decided na kung saan siya komportable because mabigat na rin kasi yung wings niya in the first place,” paliwanag nito.

Sa kabila nito, nagawa naman aniya ni Rabiya na bigyan ang Pilipinas ng isang magandang performance para sa national costume competition.

“So sad na hindi niya nasuot but still Rabiya was able to give us a powerful performance,” dagdag pa niya.

Ayon kay Filipino creative director at queenmaker Jonas Gaffud, ang suot palang na pakpak ni Rabiya ay nasa 21 kilos na.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.