Connect with us

Entertainment

Dating ‘Santino’ na si Zaijan Jaranilla, napagkamalang magnanakaw

Published

on

Photo|Patama.net

Masyadong naging makatotohonan ang pag-arte ni Zaijan Jaranilla sa papel niya bilang notoryus na magnanakaw sa American TV series na “Almost Paradise”.

Dahil sa galing sa acting, inakala ng isang foreigner na tambay sa location na totoo ang nangyayaring pagnanakaw kaya hinablot niya ito.


“May isang foreigner na hindi kasama sa scene, akala niya nagnakaw talaga ako, so hinatak niya ako. Tapos nag-cut. Chineck ako ng mga staff kung okay lang ba ako tapos in-explain doon sa foreigner na film lang,” kwento ni Jaranilla.

Dagdag pa niya, “Medyo nasaktan po ako. Hinablot niya ako pero buti nga po hindi ako sinapak, eh. Nagulat ako kasi wala naman sa blocking.”

Naiintindihan naman ng dating child star ang pangyayari lalo na at humingi naman ng pasensya ang bystander.

Naniniwala ang teen star na kayang makipagsabayan ng mga Filipino films sa international scene lalo pa at ang Almost Paradise’s production team ay binubuo rin ng mga Pinoy.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *