Connect with us

Entertainment

‘Sayang friendship grabe’: Donnalyn Bartolome sa pag-walk out ni Tekla at Marco Gumabao sa ‘last to leave pool wins 1M’ contest

Published

on

Photo| Grab from Donnalyn Bartolome Youtube channel

Nauwi sa pikunan ang sana’y masayang ‘last to leave pool’ challenge ni Donnalyn Bartolome kasama ng kanyang mga kaibigan para sa selebrasyon ng pagkakaroon ng 7 million YouTube subscribers.

Inimbetahan ni Donnalyn ang mga kaibigang celebrities na sina Mica Salamanca, Marco Gumabao, Super Tekla, Donita Nose, at Asian Cutie para sumali sa contest na may P1 million cash prize.


Dahil may kalakihan ang premyo, hindi rin naging madali ang challenge sa mga kalahok. Nilagyan ang pool ng mga insekto at hayop gaya ng ipis, palaka, pythons at kalaunan ay buwaya.

Pero habang tumatakbo ang oras at walang umaalis, dinagdagan pa ang rules para mas maging challenging.

Unang na-out si Donita.

Bumitin naman si Marco sa railing ng pool ng 30 segundo at umangat ang kanyang paa sa tubig kaya sinabi ni Donnalyn na out na ito.

Nagpaliwanag naman si Marco na nasa pool pa naman siya at hindi pa umaalis.

Ilang sandali pa ay nagdagdag pa ng rule si Donnalyn at nagsabing walang aangat sa tubig at naglagay rin ng marker ang kanyang staff na walang dapat lumampas.

Pero may lumapit na buwaya kay Super Tekla kaya napaurong ito at lumampas sa marka. Sinabihan din siyang out pero hindi ito tinanggap ng comedian.

Nagkaroon ng diskusyon sa pagitan nina Marco, Super Tekla, at Donnalyn kung saan umahon sa pool si Marco at Tekla saka nag-walk out.

Ang akala naman ni Donnalyn ay naprank lang siya ng dalawa.

Kasunod nito ang mga facebook post ni Donnalyn na binura na niya ang video.

“Kaya ko doblehin ‘yang 1M na ‘yan making content with you guys, kikitain natin ‘yan kahit ‘di kayo manalo so sana walang pikunan. (heartbreak emoji)”

“Sayang friendship grabe..” saad nito.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *