Connect with us

Entertainment

Miss Universe Myanmar, wala nang masuot sa kompetisyon makaraang mawalan ng maleta

Published

on

Photo|Spotlight

Wala nang masuot sa Miss Universe competition ang pambato ng Myanmar na si Thuzar Wint Lwin matapos mawalan ng isang bagahe ilang araw bago ang MUP2020 coronation night.

Nakalagay sa nawalang bagahe ang halos lahat ng gagamitin nitong gown sa pageant kasama na ang kanyang final evening gown.


“All of my dresses and evening gown are in that luggage. I have nothing to wear now.”

Nakipag-ugnayan na rin ito sa airline company para mahanap ang kanyang bagahe.

“I have been asking airport and trying everything I can. They don’t even know where my luggage is.”

Batay sa ulat, si Thuzar ay nag stopover sa Los Angeles mula Myanmar bago dumiretso sa Miami, Florida.

Maraming nag-alok ng tulong sa kanya pagkatapos na magviral sa social media ang tungkol dito.

Isa na rito ang National Director ng Miss Universe Vietnam, National Director ng Colombia at Filipino designer ni Rabiya Mateo na pambato ng Pilipinas.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.