Connect with us

Entertainment

AFTER 27 YEARS: MAG-ASAWANG BILL AT MELINDA GATES, MAGHIHIWALAY NA

Published

on

Photo|https://www.whatalife.ph

“We no longer believe we can grow together as a couple.”

Pagkatapos ng dalawampu’t-pitong (27) taong pagsasama bilang mag-asawa, inanunsyo ng mag-asawang Bill at Melinda Gates ang kanilang paghihiwalay.

“After a great deal of thought and a lot of work on our relationship, we have made the decision to end our marriage,” saad sa tweet ng magkabilang panig.

Unang nagtapo ang landas ng dalawa noong 1980’s nang magtrabaho si Melinda sa Microsoft firm ni Bill bilang product manager. Sila ay nag-date ng ilang taon bago ikinasal sa Hawaii noong January 1994.

Nagkaroon ng tatlong anak ang mag-asawa at parehong nangangasiwa ng Bill & Melinda Gates Foundation na isa pinakamalaking charitable foundation sa mundo.

Isang organisasyon na gumastos ng bilyun-bilyon para labanan ang COVID-19.

Sa kabila nito, ang mag-asawa ay mananatiling co-chair at trustees ng organisasyon.

“They will continue to work together to shape and approve foundation strategies, advocate for the foundation’s issues, and set the organization’s overall direction,” pahayag ng foundation.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *