Connect with us

Entertainment

P-POP SB19, ARIANA GRANDE AT BTS, NOMINADO SA BILLBOARD MUSIC AWARDS

Published

on

Photo from TWITTER/SB19
Gumawa ng kasaysayan ang P-Pop boy band na SB19 nang ma-nominate sa prestihiyosong Billboard Music Awards 2021 para sa Top Social Artist Category. Sila ang kauna-unahang Pinoy artists na naging nominado sa Billboards. Magiging katunggali nila sa titulo ang mga international superstars tulad ni Ariana Grande, pati na ang mga K-pop bands na BTS, Blackpink, at Seventeen.
Nagpahayag ng pasasalamat ang grupo bilang tugon sa bumuhos na pagbati.
“We are so grateful for your love and support. We wouldn’t have come this far without all of you. A’TIN ‘TO! Iwawagayway ang WATAWAT!,” pahayag nila sa kanilang social media accounts.
Ang SB19 ay sinanay ng ShowBT Philippines mula pa noong 2016 at nagsimulang makakuha ng atensyon sa labas ng bansa nang mailathala sa American music magazine at website noong November 2020.
Sila ang unang grupong Pinoy na nai-feature sa Billboard’s Next Big Sound Chart. Sila rin ang unang Southeast Asian act na nakapasok sa Top 10 of Billboard Social 50 weekly and year-end charts.

Position: Production Director/Editor Years/background in Media works: 4 YearsWhy choose this profession: Mass media is a kind of industry wherein I can efficiently share my knowledge, skills, and insights to a large group of people. It is fast-paced, dynamic, and competitive. Because I thrive in handling pressure and I don’t shy away from going the extra mile to produce exemplary projects, a career in mass media is the perfect way for me to live and make a living.Principle in life: Quaeram dum inveniam "I shall seek until I find it."

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *