Connect with us

Entertainment

Baby on the way: Karylle buntis na sa edad na 40

Published

on

Matapos ang anim na taong paghihintay, nagdadalang-tao na ang It’s Showtime host/singer na si Karylle sa kanilang panganay ng asawang si Yael Yuzon.

Labis ang tuwa ng kanilanng mga kaibigan sa magandang balita na magkakaroon na sila ng little angel. Maging ang Mommy ni Karylle na si Zsa Zsa Padilla ay masaya na magkakaroon na ito ng apo kay Karylle.

Dahil sa pagbubuntis, minabuti ni Karylle na mag-leave muna sa It’s Showtime para sa kanilang kalusugan ng kanyang anak.

Hindi muna ito mapapanood bilang host ng noontime program at judge ng singing contest na Tawag ng Tanghalan.

Wish naman ng kanyang mga katrabaho sa It’s showtime na maging ligtas sila ng kanyang baby.

Itinuturing ng mag-asawa na malaking blessing ang baby dahil hindi nila inaasahan na mabibigyan pa sila ng anak sa edad ni Karylle na 40.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *