Connect with us

Entertainment

Mayor Vico Sotto, nagpasalamat sa P1M na donasyon ni Anne Curtis, Angel Locsin sa Pasig City

Published

on

Photo Courtesy| https://www.policefilestonite.net/

Nagpasalamat si Pasig City Mayor Vico Sotto sa kapamilya stars na si Angel Locsin at Anne Curtis dahil sa kanilang PHP1M na donasyon na gagamitin para sa vaccination program.

Ayon kay Mayor Vico, nalikom ni angel at Anne ang isang milyon mula sa Shop and Share fundraising drive na inorganisa ng mga ito.

Ibinahagi rin ni Vico ang pagkabilib nito dahil wala raw media coverage nang ipaabot ng dalawa ang kanilang donasyon.

Sinabi nito na hindi sila nagkita-kita nina Anne at Angel dahil wala pa siya sa opisina nang dalhin ang cheque sa opisina.

“Ito, walang fanfare, walang media. Ni hindi nga kami nagkita.”

“Iniwan lang nila yung tseke. Pinaresibuhan na lang natin. So, thank you.”

Nagpapatuloy pa ang vaccination program ng Pasig City para sa senior citizens at may comorbidities sa ngayon.
Maaalala na, nitong March 25, inanunsiyo nina Angel at Anne sa Instagram ang PHP6M na natirang pondo mula sa kanilang Shop and Share fundraising drive.

Nagdesisyon sila na ibigay ito sa mga napili nilang LGUs para sa kani-kanilang vaccination program.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *