Connect with us

Entertainment

Jessy Mendiola at Luis Manzano, ibinunyag ang secret wedding noong Pebrero

Published

on

Photo| Jessy Mendiola Instagram

Inilantad na ng celebrity couple Jessy Mendiola at Luis Manzano ang kanilang secret wedding sa social media.

Sa Instagram, ibinahagi ni Luis ang isang black and white na retrato ng kanilang kamay suot ang kanilang singsing.

Mapapanood sa YouTube channel ni Jessy ang isang five-minute video ng kanilang espesyal na araw.

Ikinasal ang dalawa nitong Pebrero sa The Farm sa San Benito, Lipa Batangas.

Isa itong civil wedding na dinaluhan ng ama ng groom na si Edu Manzano at Vilma Santos at kanyang asawang si Sen. Ralph Recto.

Suot ni Jessy ang isang simpleng kulay putting dress na gawa ni Patricia Santos, habang si Luis ay naka pastel pink coat na gawa ni Rex Atienza at Jay Sarmiento.

Inanunsyo ng dalawa ang kanilang engagement nitong nakaraang Disyembre.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *