Connect with us

Entertainment

KAMBAL NA YOUTUBE STARS, NAGHAIN NG GUILTY PLEA SA GINAWANG BANK ROBERRY PRANK

Published

on

Larawan mula sa roguerocket.com

Naghain ng guilty plea ang kambal na YouTuber na sina Alan and Alex Stokes sa ginawang bank robbery pranks sa California, USA.

Sa nasabing prank, nakasuot umano ng itim na damit at ski masks ang kambal habang may bitbit na tig-isang duffle bag na animo’y tumatalilis matapos mang-hold up ng isang bangko. Tumanggi ang driver ng uber na dapat ay sasakyan nila. Ito naman ay inakala ng mga nakasaksi na insidente ng carjacking kung kaya’t agad itong ini-report sa mga pulis.

Angr umespondeng pulis ay agad na pinababa ang driver at tinutukan ng baril bago niya napagtantong isa lamang itong prank.

Pinalampas ito ng pulis at pinaalalahanan ang kambal na YouTuber na huwag nang uulitin ang ginawang prank, subalit makalipas lamang ang apat na oras, muling gumawa ng kaparehong prank ang kambal sa isang university campus at doon ay tuluyan na silang dinampot ng mga pulis.

Nauna na rito, sinampahan din ang bawat kabal ng mga kasong false imprisonment by violence, menace or fraud, and two misdemeanor counts of falsely reporting an emergency in connection noong October 2019 dahil sa mga pranks na ginawa nila sa lungsod ng Irvine.

Ayon sa District Attorney’s Office ng Orange County, ang naturang mga kaso ay may katumbas na kaparusahang 5 taong pagkakabilanggo. Dahil dito, minabuti ng kambal na tanggapin ang alok ng hukom na mag-plead ng guilty kapalit ang mas magaang parusa na 160-oras na community service.

Position: Researcher/Writer Years/background in Media works: 3 YearsWhy chose this profession: This profession has opened my eyes to the realities of life. Being in media allows me to have a better understanding of humanity, and appreciate the beauty of both its struggles and triumph. As a media practitioner, I'd like to believe that I bring light to the world by imparting my skills and knowledge, and by sharing valuable information. Principle in life: I've always been a strong believer that there is goodness in everyone. And if you see something good and beautiful in a person, you gotta say it. The person deserves to know that someone appreciates him.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *