Connect with us

Entertainment

TAYLOR SWIFT, KAUNA-UNAHANG BABAENG NAKASUNGKIT NG 3 ALBUM OF THE YEAR SA GRAMMY AWARDS

Published

on

Photo Courtesy|Romari (Taylor's Version) twitter

Muling gumawa ng kasaysayan ang international singer-songwriter na si Taylor Swift nang masungkit ang 2021 Grammy Award sa Album of the Year para sa kanyang album na Folklore.

Si Swift na ngayon ang kauna-unahang babaeng nakasungkit ng tatlong Album of the Year award sa prestihiyosong Grammy Awards.

Bukod sa Album of the Year, nominado rin si Swift sa Song of the Year at Best Pop Solo Performance para sa “Cardigan,” Best Pop Duo/Group Performance sa “Exile” (kasama si Bon Iver), Best Pop Vocal Album, at Best Song Written for Visual Media sa (Cats’ “Beautiful Ghosts”).

Ang 2021 Album of the Year ang ika-11 Grammy award ng sikat na singer.

Sinurpresa niya ang kanyang fans sa kalagitnaan ng lockdown nitong July nang ilabas niya ang kanyang ika-walong album na Folklore na sinundan pa ng Evermore nitong Disyembre.

Inaasahang ilalabas ni Swift ang kanyang Fearless (Taylor’s Version) s Abril, isang re-recorded version ng kanyang 2008 album na Fearless.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *