Connect with us

Entertainment

KASAL NG SINGER NA SI JENNIFER LOPEZ KAY BASEBALL STAR ALEX RODRIGUEZ, HINDI NA MATUTULOY

Published

on

Larawan mula sa usatoday.com

Hindi na umano matutuloy ang kasal ng singer/actress na si Jennifer Lopez at ng New York Yankees baseball star na  si Alex Rodriguez, ayon sa isang source na malapit sa dalawa.

Nagsimulang mag-date sina Lopez at Rodriguez noong 2017 at inanunsyo ang kanilang engagement noong March 2019.

Ayon sa Entertainment Tonight, si Lopez umano ang pumutol ng engagement.

“Jennifer felt like moving forward to marriage wasn’t right. Recently Alex’s character has been called into question and that didn’t sit right with Jennifer,” ayon sa source ng ET.

Dagdag pa ng informant, “The couple will always have respect for each other.”

Ang hiwalayan ay nangyari matapos lumabas ang mga bali-balita na nagli-link kay A-Rod sa isa sa mga bida ng reality show na “Southern Charm.”

Sinabi ni Lopez, na kumanta sa inauguration ni US President Joe Biden’s noong Enero, na dalawang beses na nilang ni-postpone ang kanilang kasal dahil sa pandemic.

Kilala ang dalawa sa media bilang J-Rod, at huli silang nakunan ng litrato na magkayakap nito lamang huling bahagi ng Pebrero.  Kuha ang litrato sa Dominican Republic kung saan sino-shoot ng pelikula ni Lopez.

Position: Production Director/Editor Years/background in Media works: 4 YearsWhy choose this profession: Mass media is a kind of industry wherein I can efficiently share my knowledge, skills, and insights to a large group of people. It is fast-paced, dynamic, and competitive. Because I thrive in handling pressure and I don’t shy away from going the extra mile to produce exemplary projects, a career in mass media is the perfect way for me to live and make a living.Principle in life: Quaeram dum inveniam "I shall seek until I find it."

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *