Connect with us

Entertainment

Kylie Padilla – Aljur Abrenica, break na nga ba?

Published

on

Mukhang may hinaharap na mabigat na pagsubok ang pagsasama nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Ito ang reaksyon ng mga netizens ukol sa mga cryptic posts ni Kylie sa social media.

Base sa recent tweets ni Kylie ay tila na may pinagdadaanan itong pagsubok.

May mga makahulugang post rin sa Instagram Story ang anak nina Robin Padilla at Liezl Sicangco.

“I’m submissive not stupid,” tanging caption ng aktres sa black background sa burado nang post.

Sinundan pa ito ng post nitong Lunes na ganito ang mensahe: “More selflove, babygirl.”

Nakakaintriga rin ang caption nitong “Free” sa isang larawan na tila galing sa lumang pictorial na nakasuot ng pulang damit, nakatingin sa langit, at nakataas ang dalawang kamay.

Agaw pansin ang naka-off na comment section nito kumpara sa ibang post na hindi naman.

Maliban dito, nag-post pa ang aktres ng larawan ng kanyang kaliwang kamay na walang suot na wedding ring.

Burado na ngayon ang naturang post. Pero may nakapag-screenshot sa larawan ng post na nagpapakita sa kamay ni Kylie na hindi suot ang kanyang wedding ring.

 

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *