Connect with us

Entertainment

PANONOOD NG MGA PELIKULA SA SINEHAN, MAAARING MAGING EXTINCT, AYON SA DIREKTOR NG WONDER WOMAN

Published

on

Jenkins and Gadot
Larawan mula sa slashfilm.com

Nagbabala si Patty Jenkins, director ng Wonder Woman, na nanganganib na ang mga sinehan bunsod ng  pagbaba ng bilang ng mga manonood.

Isa si Jenkins sa maraming mga director sa Hollywood na umaapela sa gobyerno ng Estados Unidos ng tulong pinansiyal para sa mga sinehan.

“If we shut this down, this will not be a reversible process,” pahayag ni Jenkins sa isang  interview. “We could lose movie theatre-going forever,” dagdag pa niya.

Ang mga sinehan sa buong mundo ay dumaranas ng krisis pinansyal dahil sa mga social restrictions na ipinatutupad sa mga sinehan at naglilimita sa bilang ng mga manonood.

Ang pagpapalabas ng kanyang bagong pelikula ay naantala na ng tatlong beses dahil sa pandemic.

Dagdag pa rito, kakaunti na rin ang mga inilalabas na blockbuster na pelikula kaya pahirapan ang pag-engganyo ng  sa mga manonood na pumuntang  sinehan.

Sa US, sinabi ng the National Association of Theatre Owners na 69% ng mga maliliit at mid-sized cinema company ang mapipilitang mag-file ng bankruptcy o magsara ng tuluyan.

Sinabi pa ng director na ang malawakang pagsasara ay magtutulak sa ma Hollywood studio na tumigil sa pamumuhunan sa mga sinehan at bumaling na lang sa online streaming.

“It could be the kind of thing that happened to the music industry,” paggugunita ni Jenkins.   “Where you could crumble the entire industry by making it something that can’t be profitable.”

Ilan sa mga big-budget na Hollywood films na inilabas noong nakaraang  taon, kabilang na ang kanyang pelikulang Wonder Woman 1984 at Mulan ng Walt Disney, ay hindi na ipinalabas sa mga sinehan at bagkus ay idineretso na sa online streaming.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *