Connect with us

Entertainment

Sharon Cuneta na-touch kay Donita Nose bilang mabuting kaibigan, “Sana madami pang katulad mo”

Published

on

INIHAYAG ni Megastar Sharon Cuneta ang kanyang paghanga sa Kapuso TV host-comedian na si Donita Nose bilang isang mabuting kaibigan dahil sa suportang ibinigay nito kay Super Tekla na kamakailan ay dumaan sa isang matinding pagsubok sa kanyang buhay.

Ipinarating ni Sharon ang kanyang madamdaming mensahe kay Donita sa direct messaging sa Instagram.

Aniya, “Hi, Ms. Donita! I hope mabasa mo ito.

“I just want you to know that I am touched by the kind of friend you have been to Tekla… he is so blessed to have you in his life.”

“Sana madami pang katulad mo, lalo sa showbiz. Mas gaganda ang mundo.

“I wish you more success and happiness and I enjoy your vlogs so much!

“Thank you for making me laugh. Lots of love.”

PHOTO/S: COURTESY: DONITA NOSE ON FACEBOOK

Hindi naman mapigilang maging emosyunal ng komendyante dahil sa mensaheng kanyang natanggap.

Sa kaniyang Facebook page, ibinahagi ni Donita Nose ang screenshot ng DM sa kaniya ni Sharon sa kaniyang Instagram account na mayroon ding mensahe para sa megastar.

Aniya, “Shout out naman sa nag iisang Mega Star.. Ms. Sharon Cuneta nakaka touch na message grabe dko ma explain ang feelings ko ng nabasa ko to..

“Grabe 1st time sa buhay ko may isang kapita-pitagang Mega Star ang nag DM sa ‘kin.. woooohh salamat po ng marami madam.. from Donekla in Tandem salamat po ng marami!

“We love you so much!,”

https://www.facebook.com/photo.php?fbid=3719763718047557&set=a.515030515187576&type=3

Di kalaunan ay binansagang “Pambansang Beshie” si Donita ng mga netizen dahil sa ipinakita niyang pagsuporta at pagmamahal sa BFF niyang si Super Tekla.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *