Connect with us

Entertainment

‘FILIPINA CROWN’, IPINAKITA NA NG MISS UNIVERSE PHILIPPINES 2020

Published

on

Photo| Miss Universe Philippines FB page

Isinapubliko na ang desenyo ng Filipina crown na siyang isusuot ng tatanghaling Miss Universe Philippines 2020.

Ang iaanunsyong Miss Universe Philippines 2020 ang siya ring kauna-unahang titlist sa ilalim ng bagong organisasyon na siya na ngayong humahawak sa most prestigious beauty pageant sa Pilipinas.

Ayon sa pageant organization, ginawa ang korona ng Villarica family, may-ari ng eponymous pawnshop chain sa bansa.

Malaki ang pasalamat ng organisasyon dahil sa expertise ng all-female staff na gumawa ng gems at jewelry na ayon sa kanila ang siyang simbolo ng ‘dreams, ambition, happiness, pride, self-worth at empowerment’.

Ang Miss Universe Philippines 2020 ay gaganapin sa Baguio Country Club sa Linggo, October 25 at sasalihan ng mahigit 40 na mga kandidata.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *