Connect with us

Entertainment

KZ Tandingan at TJ Monterde, kinasal na sa pamamagitan ng music video

Published

on

Photos| Mayad Studios/ TJ Monterde

Ikinasal na ang long-time sweethearts at singer-composer na sina KZ Tandingan at TJ Monterde.

Sa pamamagitan ng isang music video na ibinahagi ni TJ Monterde, ipinakita nila ang naging intimate wedding nila na ginanap sa Batangas.

Ikinasal and dalawa noon pang Agosto 28 ng kasalukuyang taon.

Sa umpisa ng music video ng kanta nilang “Can’t wait to say I do”, ipinaliwanag nila ang mga pag-iingat pa rin na kanilang ginawa bilang ang kasal nila ay ginanap sa gitna ng pandemya.

“Safety is our main priority; hence we chose a venue that provides a COVID-free environment,”

“Everyone involved underwent a series of COVID-19 testing and were cleared before entry as we complied responsibly with all the strict guidelines,” ang mababasa sa umpisa ng video

Narito ang music video ng kantang “Can’t Wait To Say I Do”:

https://www.youtube.com/watch?v=D8Hg-7PiyDk

Ilan sa makikitang personalidad  sa video na dumalo ay sina Martin Nievera at Ebe Dancel.

Matatandaang December pa ng nakaraang taon engaged ang dalawa at nito lamang Agosto natuloy ang kanilang pag-iisang dibdib.

via| msn

Position: Production Staff Years/background in Media works: 4yearsWhy chose this profession:Mass Communication helps me in building my personality and overcome my shyness. I can now see my improvement because I am now comfortable in speaking and socializing with people. Principle in life: Never give up on something you really want. It's difficult to wait but it's more difficult to regret.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *