Connect with us

Entertainment

DENZEL WASHINGTON, NAGBIGAY-PUGAY SA NAMAYAPANG “BLACK PANTHER” NA SI CHADWICK BOSEMAN NA MINSANG INI-SPONSOR-AN NIYA NG TUITION

Published

on

Photo from www.smalljoys.tv
Larawan mula sa www.smalljoys.tv

Nagpalabas ng pahayag ang kampo ng Hollywood actor na si Denzel Washington bilang pagbibigay ng pagkilala sa namayapang bida ng Black Panther na si Chadwick Boseman.  Si Boseman ay pumanaw noong nakaraang linggo sa edad na 43 matapos ang apat na taong pakikipaglabas sa colon cancer.

 

“He was a gentle soul and a brilliant artist, who will stay with us for eternity through his iconic performances over his short yet illustrious career,” sinabi ni Washington sa kanyang pahayag. “God bless Chadwick Boseman.”

 

Minsan nang sinabi ni Chadwick Boseman sa isang talumpati nung nabubuhay pa siya na kung walang Denzel Washington, wala ring Black Panther.

 

Ito ay dahil noong estudyante pa umano siya sa Howard University ay binayaran ni Washington ang kanyang tuition.

 

Sa ipinalabas ng ABC na TV special na Chadwick Boseman: A Tribute For A King,” ikinwento ng aktres na si Phylicia Rashad na naging estudyante niya si Boseman sa nasabing unibersidad.

 

Nakatanggap umano siya ng balita na ang isang grupo ng kanyang mga estudyante ay nag-audition at natanggap sa British American Drama Academy’s Midsummer program ngunit hindi makakapag-enroll sapagkat walang silang perang pang-enroll.

 

“I made a phone call to a friend of mine, and he called me back and we talked about it for about five minutes, and he said, ‘Okay, I got this money,” Rashad said.

 

Ang kaibigang tinutukoy ni Rashid ay si Washington kaya naman nang ginawaran si Washington ng American Film Institute’s Lifetime Achievement Award noong nakaraang taon, taos pusong pinasalamatan ni Boseman si Washington dahil sa naging kontribustyon ng aktor sa kanyang tagumpay.

 

“As fate would have it, I was one of the students that he paid for,” ani Boseman. “Imagine receiving the letter that your tuition for that summer was paid for and that your benefactor was none other than the dopest actor on the planet.”

 

Dagdag pa ni Boseman, ang kanya umanong kwento ay hindi namumukod-tangi at ang kanyang natanggap ay higit pa sa pilak at ginto.

 

“An offering from a sage and a king is more than silver and gold. It is a seed of hope, a bud of faith.”

 

Ayon pa kay Boseman, and kanyang magandang katayuan sa buhay ay utang niya kay Washington.

 

“There is no Black Panther without Denzel Washington,” pahayag niya. “And not just because of me, but my whole cast — that generation — stands on your shoulders.”

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *