Connect with us

Entertainment

DONITA NOSE, TAGUMPAY SA KANIYANG LABAN VS COVID-19

Published

on

donita nose

Pinalakpakan ng mga medical frontliner ang TV Host at Comedian na si Donita Nose matapos itong gumaling sa sakit na Covid-19.

Ito ay matapos na ilang linggong maconfine sa ospital. Sa kaniyang facebook account nitong miyerkoles, nagpost si Donita ng paglabas niya sa ospital.

Makikita sa kanyang mukha ang galak dahil nalagpasan niya ang nakakamatay na sakit.

“And Im free, Salamat PO Ama” saad ni Donita sa post.

Bago nito lisanin ang ospital, nagpasalamat muli ito sa mga health worker.

Sa kanyang post sinabi ni Donita na sobrang nagpapasalamat ito sa lahat ng nanalangin, nagmalasakit at nagmahal sa kaniya.

Dagdag pa nito gagawa siya ng video para sa lahat ng taong tumulong sa kaniya.

Sa huling mensahe nito nagpapasalamat siya sa lahat ng mga frontliners naging saksi ito sa pagmamahal nila sa mga pasyente at trabaho.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *