Connect with us

Entertainment

AKTOR NA SI MATT EVANS ARESTADO SA KASONG ANTI VIOLENCE AGAINST WOMEN AND THEIR CHILDREN ACT OF 2004

Published

on

matt-evans-photo
Photo by: ABS-CBN

Naaresto ang aktor na si Matt Evans sa Sampaloc, Manila nitong biyernes Hulyo 31, 2020.

Sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba kay Matt sa paglabag sa Republic Act 9262 o mas kilala sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 na isinampa ng kanyang dating live in partner na si Johnelline Hickins noong 2012.

Una nang inaresto ang aktor noong October 21, 2012 sa Pasig City sa parehong kasalanan.

Isa sa tumatayong testigo ay ang kapatid ng dating kinakasama ng aktor na si Juan Alberto Carlotta.
Sa narrative ni Alberto sumasang-ayon ito na nagkaroon nang matinding argumento ang dalawa na naging dahilan ng pagkahulog sa hagdanan ng huli.

Ayon kay Alberto ang bilis ng pagbaba nila kung kayat hindi nakuhang hawakan ni Matt ang kapatid niya upang maka-iwas sana na tumama sa pader.

Kinumpronta raw niya si Matt, na nauwi sa kanilang pagsusuntukan. Sinabi din niya sa kanyang kapatid na pigilan ito ngunit sinuntok ni Matt si Johnelline.

Nauwi raw ang paglalaban ng dalawa na umabot pa sa puntong panunutok ng kutsilyo rito.

Sa official statement mariing itanggi ng aktor ang mga aligasyon laban sa kanya.

“Matt denies having inflicted any injury against his girlfriend or her brother.

“In fact it was Matt who was hit on the leg and who was threatened with a knife
“We are awaiting the legal process to proceed so that Matt’s name will be cleared from all the accusations which are nothing but lies.”
Nagpunta sina Johnelline at Juan Alberto sa Pasig Police Headquarters para pormal na magsampa ng kaso laban sa aktor.

Nagpakasal si Matt sa businesswoman na si Riza Katrina Evans, na nakulong rin noong December 2019 sa kasong estafa.

Nakalaya siya sa bilangguan pagkatapos magbayad ng PHP30,000 na piyansa.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *