Connect with us

Entertainment

Wowowin co-host na si Donita Nose, positibo sa COVID-19

Published

on

KINUMPIRMA ng Wowowin co-host na si Donita Nose na nagpositibo siya sa COVID-19.

 

Mismong ang 41 anyos na comedian-TV host ang nag-anunsyo nito sa 24-oras nitong Lunes ng gabi, July 27.

 

Lunes ng umaga nakuha ni Donita ang resulta ng kanyang swab test at hindi na umano niya ito ikinagulat dahil nasa kanya naman ang lahat ng sintomas ng sakit.

 

“Parang nakita ko lahat yung mga symptoms ng COVID is parang nandoon siya,” pahayag ni Donita, na Ogie Solano ang tunay na pangalan.

 

Salaysay ng stand-up comedian, noong isang linggo na siyang nilalagnat, sumasakit ang ulo, inuubo, dumanas ng diarrhea, at nahihirapang huminga.

 

Nilalabanan daw niya ang sakit kahit pa nahihirapan na siya sa kanyang pag-iisa sa ospital.

 

“Mag-isa akong lumalaban dito ngayon, as in wala akong kasama. Magsi-CR ako, ako lang,” ani Donita.

 

Kwento pa nito, mabilis na siyang hingalin ngayon dahil sa sakit pero kumpiyansa naman siya na gagaling siya sa COVID-19 dahil alam niyang maraming nagdadasal para sa kanya.

 

“Sabi ko nga, kahit mag-isa lang ako dito, I know hindi ako nag-iisa, sa mga dasal, sa lahat. Kasi alam kong maraming nagmamahal sa akin.”

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *