Connect with us

Entertainment

KAREN DAVILA, UMALMA SA OPENING SALVO NI PDU30 SA ABS-CBN AT BATIKOS KAY DRILON

Published

on

Karen Davila
Photo from www.esquiremag.ph

Sa unang 5 minuto ng State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte umalma kaagad ang batikan at kilalang broadcast journalist na si Karen Davila kaugnay sa pagpuntirya nito sa ABS-CBN ta kay Sen. Franklin Drilon.

Nakasentro anya ang opening salvo sa SONA sa pagtatalakay sa estado ng bansa at hindi dapat sa isang pribadong kumpanya o sa isang senador.

“President’s SONA, while traditionally centered on “the state of the country, where we are, where we are going,” became a venue for personal vendettas or feelings. No senator or private company deserves to be mentioned at the opening of the President’s SONA. People are hungry and jobless. People are looking for inspiration,” ayon sa Twitter post ni Davila.

Ayon kay Davila binanatan agad ni Pangulong Duterte ang ABS-CBN gayundin ay pinuna nito ang pagtatanggol ni Drilon sa mga Lopezes ng ABS-CBN.

“Media is a powerful tool in the hands of oligarchs like the Lopezes who use it in their battle with political figures. I am a casualty of the Lopezes during the 2016 elections,” pahayag ni Duterte.

Una ng naibalita ang pagpapasara mula pa noong Mayo 5 at noong Hulyo 10 matapos ibasura ng House Committee on Legislative Franchise ang aplikasyon nito para sa renewal ng kanilang legislative franchise.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *