Connect with us

Entertainment

Arci Muñoz, unang babaeng aktres sa kanyang henerasyon na sumali sa PH Air Force

Published

on

Sumabak si Arci Muñoz sa pisikal na pagsasanay bilang reservist ng Philippine Air Force sa mismong ika-122 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.

Sinabi ni Muñoz sa kanyang instagram post na siya ang kauna-unahang babaeng aktres sa kanyang henerasyon na sumailalim sa Basic Citizen Military Training ng PAF.

Katuwang sa kanyang post ang mga litrato niya na nakasuot ng military uniform at face mask habang nakatayo sa harap ng watawat ng Pilipinas at pagsasanay na magpaputok ng baril.

Hinikayat din ng 31-year-old actress ang mga kapwa kababaihan na mag-enlist.

Kasama na ngayon si Muñoz ang male celebrities na sina Matteo Guidicelli at Dingdong Dantes na parte ng reserve force ng bansa.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *