Connect with us

Entertainment

Liza Soberano, naging emosyonal sa kanselasyon ng teleseryeng ‘Make It With You’

Published

on

Photo| Liza Soberano/Instagram

Nagsalita na si Liza Soberano ukol sa kanselasyon ng pinagbibidahan nilang teleserye ni Enrique Gil na Make it With You.

Unang kinumpirma ng talent manager ng aktres na si Ogie Diaz na hindi na magbabalik ere ang naturang show sa Kapamilya Channel.

Naging usap-usapan rin ang instagram post ni Liza kung saan maemosyonal niyang ipinahayag ang balita.

Ayon sa aktres, marami sa cast members ang nag-alangan na bumalik sa taping sa June 13, maging siya mismo ay nag-alangan dahil sa kanyang mahinang immune system.

 “When we were asked to resume taping on June 13, many of us had hesitations.

“Considering that the COVID-19 situation here in the Philippines is far from contained, there are many risks in place for me (and everyone involved) given my history of having a weak immune system,” saad ng aktres.

Maliban sa pag-aalangan ng mga cast members, marami pa aniyang ibang dahilan ng kanselasyon ng teleserye.

Tinapos ni Liza ang kanyang post sa paghingi ng pasensya sa mga tagahanga ng Make It With You dahil hindi nila ito nabigyan ng magandang ending.

https://www.instagram.com/p/CBN0SVzlC5j/?utm_source=ig_embed

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *