Connect with us

Entertainment

Sam Milby kay Catriona Gray– “Yes, you are very special.”

Published

on

Umamin si kapamilya actor Sam Milby sa kanyang pagtingin kay Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Ngayon ang ika-36 na kaarawan ng aktor kaya’t pinadalhan siya ng surprise birthday greeting ni Catriona sa Facebook Live show ng Cornerstone Entertainment na CSTV Presents: Lunch With The Stars kahapon, May 22.

Hindi naitago ni Sam ang saya at abot tengang ngiti nang mapanood ang taped video ni Catriona.

Ang kabuuang message ni Catriona: “Hey, Sam! Happy, happy birthday. I hope that you have an amazing year ahead. More birthdays. More happiness. You are loved by so, so many!”

Inulan ng kantyaw ang aktor sa pangunguna ng kanyang best friend na si John Prats at comedian na si Pooh na kasama rin sa live streaming.

Hiningan nila ng reaksiyon si Sam.

Nahihiya naman itong nagpasalamat sa dalaga.

Aminadong speechless si Sam na hindi mabuo-buo ang nais sabihin kay Catriona. Napayuko pa ito na mistulang bata at napahawak sa kanyang ulo at tenga dahil tila di malaman ang gagawin.

Sa tagal ni Sam makapagsalita ay inasar siya nina John at Pooh.

Kalaunan ay nagkaroon na si Sam ng lakas ng loob na ihayag ang kanyang nararamdaman.

Anang aktor, “Basta I’m kilig sa message. Super kilig sa message.Hindi ko in-expect talaga na mag-message. Thank you.”

Mensahe pa niya para sa dalaga, “Yes, you are very special. Very special.”

Naging usap-usapan sa showbiz ang nabubuong magandang pagtitinginan nina Sam at Catriona noong December 2018 nang mapukaw ang pansin ng fans sa kumalat na litrato ng pagkikita umano ng dalawa.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *