Connect with us

Entertainment

FRONTLINER NA AMA NI BAEBY BASTE, BALIK SERBISYO NA MATAPOS MAKA-RECOVER SA COVID-19

Published

on

Balik na sa trabaho sa crime laboratory ng PNP (Philippine National Police) ang tatay ni Baeby Baste na si Papa Sol matapos na magpositibo sa COVID-19 kamakailan.

Napagtagumpayan ni Papa Sol ang nakamamatay at nakakatakot na sakit kaya labis ang pasasalamat ng pamilya ni Baste at lahat ng naki-isa sa pagdarasal para sa ama ng Eat Bulaga Dabarkid.

Isa ang ama ni Baeby Baste sa mga frontliner na pulis na tuluy-tuloy ang pagbibigay ng serbisyo para sa kaligtasan ng mga tao.

Sa sobrang pananabik nina Baste at kapatid niyang si Samsam sa kanilang ama dahil hindi umano ito nakaka-uwi sa kanilang bahay kung kaya’t sa video conference call na Lang daw nila nakaka-usap ang ama.

“Pero si Papa, hindi pa maka-go home kasi isa siya sa frontliners at pulis. Eh, to serve and protect,” sabi ni Baste.

Habang naka-isolate at nagpapagaling si Papa Sol noon, nagsagawa ng donation drive sina Baste at kanyang Mommy Shiela para sa frontliners.

Bukod dito, panay rin daw ang dasal ni Baste na matapos na ang krisis na dulot ng COVID-19.

“Please lang po, Lord, i-protect nyo po sila (frontliners), kasi po, sobrang-sobrang-sobrang dami pong naghihintay sa kanila.”

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *