Connect with us

Entertainment

Singer na si Mystica, maaring parusahan sa pagmumura kay Duterte – Roque

Published

on

Maaaring parusahan si Mystica dahil sa pagmumura at pambabastos kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang hinayag ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng viral video ng singer kung saan pinagmumura ang Pangulo kaugnay sa krisis sa coronavirus disease 2019.

Sinabi ni Roque na bagama’t naninindigan ang Presidente sa freedom of expression, may batas aniya na hindi absolute ang kalayaang maghayag ng gustong ilabas sa publiko.

“Si Presidente ay naninindigan po yan para sa malayang pananalita, pero sa larangan ng Human Rights Law at International law, hindi absolute ang freedom of expression. Meron pong hangganan yan,” ani Roque.

Maaari aniyang limitahan ang freedom of expression kapag mayroong national emergency, at ang COVID-19 ay hindi lang national kundi international emergency.

Dahil dito, sinabi ng tagapagsalita na maaaring gamitin ang batas na Bayanihan to Heal as One Act para parusahan si Mystica at iba pang Pinoy na nagmumura sa Pangulo.

“Mystika, may batas po na pupuwedeng gamitin para parusahan ka! Nakasaad sa international covenant on civil and political rights: A state can derogate among others dito sa freedom of expression kapag mayroong national emergency. Alam po natin na ang COVID ay hindi lang national emergency. It is an international emergency, ” dagdag ni Roque.

Sa viral video ni Mystica, minura nito at hinamon si Duterte na mag-self quarantine, huwag palabasin at huwag bigyan ng pagkain.

Article: ABANTE

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *