Connect with us

Entertainment

Kapuso news anchor Howie Severino inaming siya si Patient 2828: “Transparency is an obligation.”

Published

on

“If it’s true that I will have antibodies in my blood that can help others fight off infection, I’ll be glad to donate this accidental gift. It’s a small price for all survivors to pay for the chance to see the sun again.”

Ito ang bahagi ng kwento ni award-winning broadcast journalist Howie Severino sa kanyang sinulat na artikulo sa GMA News Online ukol sa pakikibaka niya sa COVID-19.

Nakalabas na ng ospital ang 58 anyos na batikang mamahayag matapos ang siyam na araw na confinement.

“I am one of the lucky ones who have been able to go home, resume a semblance of my former life, and live to tell the tale,” saad ng veteran journalist.

Patuloy pa nito: “It’s a tale of long painful needles that couldn’t find a vein in my hands, the swabs down my throat that made me gag, the torture of long sleep deprivation, and the team of doctors who formed a Viber group to discuss updates on my case and the experimental drug chloroquine that worked on patients elsewhere and eventually worked on me.”

Alam ni Howie na talamak ang diskriminasyon sa mga tinatamaan ng COVID-19 kaya’t laking pasalamat niya nang tanggapin siya ng mga kapitbahay.

May mga nakasama raw kasi siyang pasyente na gumaling na, pero hindi makauwi sa kanilang tinitirahan, dahil hindi pumapayag ang ibang residenteng tiga-roon.

Umaasa si Howie na sa pamamagitan ng mga survivors na tulad niya ay mababawasan ang takot ng tao sa COVID-19.

“Transparency is an obligation,” paliwanag pa ng beteranong mamahayag.

“While there are good reasons to keep this condition under wraps — there are even privacy laws that can justify it — it’s not fair to anyone who has had close contact with you.

“For the greater good, we are required to disclose our COVID-19 status to the Department of Health.

Si Howie ay kilala bilang isa sa mga pinakamahusay na dokumentarista, na napanood sa mga programang Probe Team at I-Witness ng GMA.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *