Connect with us

Entertainment

Iza Calzado, magdo-donate ng blood plasma sa PGH at Makati Medical Center para sa experimental treatment ng COVID-19

Published

on

Handang mag-donate ng blood plasma ang tinaguriang Queen of Corona sa showbiz na si Iza Calzado para makatulong sa pagsugpo ng COVID-19.

Ito ay kasunod ng panawagan ng Philippine General Hospital (PGH) sa COVID-19 survivors na mag-donate ng kanilang dugo para sa mga pasyenteng malala na ang kalagayan.

Ang plasma o blood plasma mula sa COVID-19 survivors ay gagamitin sa “Experimental treatment” na “convalescent plasma therapy” dahil sinasabing ang dugo ng mga pasyenteng gumaling sa COVID-19 ay mayroon nang antibodies na panlaban sa naturang karamdaman.

Kahapon lang ay sinabi ng aktres na dumating na ang resulta ng kanyang exit test sa ospital at lumabas ang second negative result kaya’t out of danger na ito ngayon.

Pinahayag rin ni Iza na nakapagpa-oo na ito sa PGH at Makati Medical Center pero kailangan pa niya na hintaying lumipas ang 14 days matapos ang kanyang first negative result.

Sabi ni Iza, sa kahit anong paraan para siya makatulong ay gagawin niya.

Nagpapahinga na ngayon ng husto ang aktres para mabalik ang kanyang lakas.

Kaugnay nito, hhinihintay na rin ang sagot ni Christopher de Leon kung willing din itong mag-donate ng plasma.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *