Connect with us

Entertainment

P315K piyansa ng 21 QC protesters, sasagutin ni Frankie at magulang nitong sina Sharon at Kiko

Published

on

Nag-alok si Frankie Pangilinan na aabonohan nito ang piyansa ng isa sa 21 residente ng  QC na inaresto matapos magprotesta kamakailan dahil sa hindi sapat na ayuda na ibinibigay sa kanila sa kabila ng community quarantine.

Sasagutin naman ng kanyang mga magulang na sina Senador Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta ang piyansa ng 20 iba pa.

Mula ang 21 rallyista sa Purok San Roque ng Bgry. Bagong Pag-asa, Quezon City.

Ipinagbigay-alam ni Bayan Muna secretary-general Renato Reyes Jr. na nasampahan na ng reklamo ang mga rallyista sa piskalya dahil sa paglabag sa enhanced community quarantine at bawat isa sa kanila ay kailangan magpiyansa ng P15,000.

 “Wala na nga silang makain, pagbabayarin pa ng P15,000 each. Walang awa sa mahihirap,” ani Reyes.

Tumugon naman si Frankie sa tweet ni Reyes.

“I’ll sponsor one. Please give the details,” anang panganay na anak ni Kiko kay Sharon.

Sinundan pa ito ng tweet na pati ang kanyang mga magulang ay mag-aabono na rin.

“And my parents would like to cover the other twenty,” dagdag nito.

Nagpasalamat naman si Reyes kay Frankie, “thanks Kakie. Will DM the details as soon as lawyers provide them.Salamat!”

Sa kabuuan ay aabot sa P315,000 ang piyansa ng 21 rallyista.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *