Connect with us

Entertainment

‘We Heal As One’: Kapuso at Kapamilya stars nagsama sa unity song para sa COVID-19

Published

on

Photos: ABS-CBN news, GMA news

Nag join forces ang mga sikat na Kapuso at Kapamilya singers sa pag-awit ng isang unity song para bigyang inspirasyon ang mga Pinoy sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic.

Ang awitin ay may titulong “We Heal As One’, ito ay produced ng community group na tinatawag ring We Heal as One na may layong pag-isahin ang mga Pilipino laban sa COVID-19.

Isa itong revival ng 2019 SEA Games official theme song na “We Win As One,” na gawa nina National Artist for Music Ryan Cayabyab at Floy Quintos.

Makikita sa music video ang pagsasama-sama ng mga batikang mang-aawit mula sa dalawang giant TV network na ABS-CBN at GMA sa ilalim ng direksyon ni Frank Lloyd Mamaril.

Ilan sa mga Kapamilya stars na kasali sa kanta ay sina Iñigo Pascual, Jed Madela, Jamie Rivera, KZ Tandingan, Ogie Alcasid, Martin Nievera, Gary Valenciano at ang The Voice coaches na sina Sarah Geronimo, Bamboo, Apl de Ap, at Lea Salonga.

Ang mga Kapuso artists naman ay sina Alden Richards, Julie Anne San Jose, Pops Fernandez, Mark Bautista, Rita Daniela, Paolo Valenciano, Aicelle Santos, Ken Chan, Christian Bautista, at Lani Misalucha.

Mapapansin rin sa music video na ang mga kuha ay mula sa kani-kanilang bahay.

Narito ang music video ng “We Heal as One”.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *