Connect with us

Entertainment

‘Mortal Sin’: Angel Locsin, nagsisi sa pag endorso kay Koko Pimentel

Published

on

Photo: Filipinotimes.net

Pinagsisihan ng aktres na si Angel Locsin ang pag-endorso nito kay Senator Aquilino “Koko” Pimentel III noong 2007 elections.

Humingi ng tawad ang aktres sa pag endorso sa senador at tinawag niya pa itong ‘mortal sin’ matapos umani ng batikos si Pimentel dahil sa paglabag nito sa quarantine protocol na naglagay ng panganib sa buhay ng mga medical frontiners na nakasalamuha nito.

Lumabag sa protocol ang senador matapos nitong dalhin ang buntis na asawang si Kathryn Yu-Pimentel sa Makati Medical Center kahit na siya ay kabilang sa mga Persons Under Investigation (PUI).

Huli na nang mapag-alaman na positibo ang senador sa COVID-19 at na-expose nito ang ilang mga health workers sa virus.

Sa statement ng MMC Medical Director Dr. Saturnino Javier, tinawag nitong ‘irresponsible’ ang naging aksyon ni Pimentel.

“We denounce the irresponsible and reckless action of the senator. He added to the burden of a hospital trying to respond in its most competent and aggressive manner to cope with the daunting challenges of this COVID-19 outbreak,” saad ni Javier.

Humingi naman ng kapatawaran si Pimentel sa nagawang kasalanan.


“I never intended to breach any protocol but I realize now that my presence in MMC unnecessarily caused additional anguish and concern to the courageous frontline health workers we all depend on. I was simply there to be with my wife during the birth of our daughter,” pahaya ni Pimentel.

Kaugnay nito, nagpahayag ng pagkadismaya si Angel Locsin sa ginawa ni Pimentel.

Pag-aamin pa ng aktres, si Pimentel ay ex-husband ng kanyang pinsan na si Jewel Mae Lobaton.

“Yes. Super. Mortal sin. Patawarin nyo po ako bilang ex husband po sya ng pinsan ko”.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *