Connect with us

Entertainment

Country music legend na si Kenny Rogers, pumanaw sa edad na 81

Published

on

Photo| Shutterstock

Pumanaw na ang music legend na nagpasikat ng kantang “Lady” at “The Gambler” na si Kenny Rogers sa edad na 81.

Ito ang kinumpirma ng kanyang management firm na SKH Music sa isang pahayag.

Nagpaplano na ang kanyang pamilya ng isang maliit at private funeral dahil na rin sa coronavirus outbreak.

Magugunitang inanunsyo ni Rogers ang kanyang pagreretiro sa kanyang final tour noong 2015 matapos ang kanyang halos anim na dekadang career.

“I’ve done this long enough,” anang singer, at saka sinabi na gusto niyang maglaan ng mas marami pang oras sa kanyang mga anak.

May 24 na number-one hits na naitala si Rogers sa kanyang karera at anim na beses na itinanghal na Country Music Association winner.

Nanalo rin ito ng tatlong Grammy awards at 19 na beses na naging nominado.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *