Connect with us

Entertainment

Juan Miguel Severo, umalma sa tweet ni Drew Arellano ukol sa COVID-19

Published

on

Hindi nagustuhan ng spoken-word artist na si Juan Miguel Severo at ng mga netizens ang tweet ni Drew Arellano ukol sa COVID-19.

Nakatanggap ng pamba-bash sa social media ang sikat na TV host ng AHA dahil sa kanyang pahayag na ang mga tao ang virus at ang COVID ang gamot.

“We are the virus and covid’s the cure really”, saad sa post ni Arellano.

Para kay Juan Miguel at sa ilang mga netizens ay “very insensitive” ang post ng TV host.

“Drew, I know the human race sucks but let’s not paint this virus as a good thing. It’s insensitive to those who’ve lost loved ones,” ayon sa spoken-word artist.

“You’re the father of very beautiful children. Can you tell that to someone who’s lost his son to COVID-19?” dagdag pa ni Severo.

Screenshot via Fashion Pulis

May ilan pang tumawag sa kanya ng “insane” dahil sa pagbabalewala umano nito ng mga effort na ginagawa ng mga medical frontliners para labanan ang virus.

Humingi naman agad ng tawad si Arellano sa mga netizens.

 “My apologies for the tweet. It was insensitive. Hoping everyone is fine on their end,” sagot naman ng host.

Si Drew Arellano o Andrew James Estrella Arellano sa totoong buhay, ay isang Filipino showbiz personality ng host ng sikat na Kapuso educational na “AHA!”

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *