Connect with us

Entertainment

BOYS LIKE GIRLS, IPINAGLIBAN ANG TOUR SA BANSA SA GITNA NG COVID-19 PANDEMIC

Published

on

Photo courtesy| www.bandwagon.asia

Inanunsyo ng rock band na Boys Like Girls na ipagpapaliban muna ang kanilang pagtatanghal sa bansa at ililipat nalang sa bagong petsa sa Setyembre sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa Facebook post ng banda kahapon, nalulungkot umano ang mga ito ngunit kailangan nilang i-reschedule ang concert bunsod ng banta ng COVID-19 desease.

Nais anila na tumugtog sa bansa ngunit kaylangang unahin ang kapakanan ng nakakarami sabay pahayag ng magandang balita na naka-reschedule na sila sa September.

“We wanted to play so badly for you, but also we want to keep everyone safe and healthy. good news is we have new dates for these shows. We will see you in September.”

Gaganapin na sa Setyembre 15 ang pagtatanghal ng Boys Like Girls sa Cebu habang Setyembre 16 at 17 naman ang bagong petsa ng kanilang Manila show.

Ang bandang Boys Like Girls ay nakikila sa mga kantang Thunder at Hero/Heroine.

Source: Gma News

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *