Connect with us

Entertainment

Aktor na si Christopher de Leon, positibo sa COVID-19

Published

on

Photo| Star Cinema

Kinumpirma ng aktor na si Christopher De Leon na nag- positibo siya sa coronavirus disease o COVID-19.

Sinabi ni De Leon na wala siyang travel history o maging contact sa sinumang may virus.

Gayunpaman dahil si Christopher ay nagtatrabaho sa entertainment industry, bukas ito sa publiko.

Nagpa-alala rin ito sa mga naka-salamuha niya nag magself quarantine para hindi na makahawa pa ng iba.

Aniya sa Instagram Post kung sino man ang nakasalamuha nya noong nakaraang lingo o mahigit ay mas mabuting sumailalim sa self-quarantine.

Sundin aniya ang mga paalala ng Department of Health mapa asymptomatic man o hindi.

Maging ang kanyang asawa na si Sandy, anak nitong si Mica at mga kasambahay ay naka home quarantine narin.

Sumunod na lamang sa mga pinatutupad ng mga otoridad pagtatapos ng aktor.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *