Connect with us

Entertainment

Kasalang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, ‘di napigilan ng COVID-19

Published

on

Photo courtesy| @gideonhermosa Instagram

Hindi napigilan ng COVID-19 ang palitan ng “I do” ng celebrity couple na sina Richard at Sarah ngayong Sabado, March 14.

Nagdesisyon ang dalawa na ituloy ang kasal sa kabila ng unang anunsyo na pagkaudlot ng kanilang engrandeng church wedding dahil sa COVID-19 pandemic.

Binahagi ng couple sa kanilang instagram account ang ilang litrato ng naganap na kasalan na dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

Sinamahan pa nila ito ng caption na, “I have you and it’s enough. It’s everything. Thank you, Lord, for today.”

Si Sarah ang itinanghal na ultimate survivor ng reality talent search ng GMA na “Starstruck: Season 5” noong 2010.

Doon pa lamang ay sinabi niya na gusto niyang makatrabaho ang (dating) primetime king ng GMA na si Richard Gutierrez na nagkatotoo naman after two years nang magsama ang dalawa sa TV series na “Makapiling Kang Muli” kung saan nagsimula at nabuo ang kanilang pag-iibigan.

Nakatakda sana ang engrandeng kasalan ng dalawa sa Shangri-La, Fort Hotel sa Bonifacio Global City.

Ngayon ay may dalawa na silang anak na sina Zion at Kai.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *