Connect with us

Entertainment

P8.5M na donasyon, sikretong dinonate ni CLOY star Hyun Bin kontra COVID-19

Published

on

Photo: Crash Landing On You/Netflix

Tunay na matulungin sa totoong buhay ang Korean actor na si Hyun Bin gaya ng kanyang karakter na ginampanan bilang ‘Capt. Ri Jeong Hyuk’ sa katatapos lang na korean drama series na Crash Landing On You.

Bilang pagsuporta para sa paghahanap ng lunas kontra COVID-19, sikretong nagbigay ng tulong pinansyal na umaabot sa P8.5-million o 200 million won ang CLOY star sa isang non-profit organization na Community Chest of Korea.


Pinili ng aktor na huwag ipaalam kahit sa kanyang agency ang kanyang pagbibigay ng donasyon.

Katunayan, maging sa organisasyon na kanyang tinulungan ay nakiusap din ito na huwag ipagsabi ang kanyang ibinigay na tulong.

Nitong Pebrero 28, naglabas ng isang pahayag ang aktor sa pamamagitan ng Instagram account ng kanyang agency na humihiling ng “quick recovery” sa mga naapektuhan ng virus.

Hiniling din nito sa publiko na panatilihin ang kanilang kaligtasan at kalusugan laban sa sakit.

Marami ang pumuri kay Hyun Bin dahil sa pagtulong nito ng hindi ginagamit ang sitwasyon para lalong sumikat.

Maliban kay Hyun Bin, nagbigay rin ng 100 million won o P4.1 million na donasyon ang kanyang CLOY co-star na si Son Ye-jin sa kanyang hometown na Daegu.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.