Connect with us

Entertainment

Aktor na si John Regala, umapela sa mga TV networks na bigyan ng pagkakataong makabangon

Published

on

Sa kabila ng kanyang pangungulila, masaya si John Regala sa iba’t ibang personalidad na nagpahatid ng pakikiramay at tulong para sa namayapa niyang ina na si Ruby.

Kabilang sa tumulong sa kanya sina Senador Bong Go, dating Pangulong Erap Estrada, Senador Bong Revilla at Philip Salvador.

Hirap man sa kanyang pagsasalita ay nagpaunlak ang beteranong aktor ng interview na halatang may iniindang sakit dahil sa itsura nito.

Umapela si John ng tulong kay Coco Martin maging sa ABS-CBN at GMA na sana’y mabigyan umano siya ng trabaho.

May anak din daw siya na gustong pumasok sa showbiz pero hinahanda pa niya ang mga ito gaya ng pagpapaganda ng katawan.

Naiyak naman siya nang manawagan ng tulong.

“Isa lang po ang gusto kong ipanawagan sa inyo, kunin n’yo naman ang aking serbisyo at hindi po kayo mapapahiya. Pagsusunugan ko po ng kilay. Maganda ang track record ko both GMA and ABS, bigyan n’yo ako ng pagkakataong maka-move on. Malaking tulong na po sa akin ‘yun,” ani John.

Si John ay isa sa magagaling na artista sa Pilipinas lalo sa kontrabida role.

Ilan sa sikat niyang pelikula ang “Bukas Bibitayin si Itay” at “Bobby Barbers: Parak”.

Article: ABANTE

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *