Connect with us

Entertainment

Boyce Avenue, balik-bansa para sa Valentines concert

Published

on

Photo | @cebuupcomingevents Facebook post

Muling nagbabalik ang bandang Boyce Avenue sa bansa para isagawa ang kanilang 3-day concert sa Pilipinas.

Sinabi ng naturang banda na “Valentine tradition” sa kanila at sa mga fans ang pagtatanghal nila sa bansa.

Ngayong araw ng mga Puso, unang haharanahin ng banda ang Cebu na gaganapin sa Waterfront Hotel Ballroom. Sunod naman nilang tatanghalan ang SMX Convention Room sa Davao bukas, Pebrero 15 at ang huli nilang pagtatanghal ay gaganapin sa Araneta Coliseum sa Maynila sa Pebrero 16.

Makakasama ng banda ang December Avenue at I Belong To The Zoo sa kanilang concert tour.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *