Connect with us

Entertainment

“Reclusion Perpetua”, ipinataw sa dating aktor na si Dennis da Silva

Published

on

Pinatawan ng parusang reclusion perpetua o habambuhay na pagkakakulong ang dating aktor na si Dennis Da Silva, matapos na mapatunayang guilty ito sa 15 counts of rape.

Bukod sa kasong panggagahasa, pinatawan rin si Dennis ng apat hanggang anim na taong pagkakakulong dahil sa 4 counts of child abuse.

Magugunitang, una nang inaresto ang dating aktor noong taong 2002 dahil sa panggagahasa sa 14 na taong gulang na dalagita na anak ng kanyang kinakasama.

Dahil dito, inatasan ng korte na magbayad ito ng 100,000 sa kada civil indemnity, moral damages at 300,000 sa kada beses ng kanyang panggagahasa kung saan ay aabot ito sa kabuuang P4-M.

Samantala, matatandaang sumikat ang aktor noong dekada nobenta sa youth oriented show na “that’s entertainment” at naging nobya rin nito ni Ruffa Gutierrez.

Article: dwizz882am.com

video courtesy | gma news

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *