Connect with us

Entertainment

‘MUSTANG BOUQUET’, ALAY NI XIAN GAZA KAY NADINE LUSTRE SA VALENTINES

Published

on

Photo from the web.

Ngayong hiwalay na kay James Reid, nagbaka-sakali na si internet sensation Xian Gaza kay Nadine Lustre at nagawa nitong mapahanga ang mga netizens sa engrande nitong regalo para sa aktres.

Unang nakilala si Gaza sa panliligaw kay Ella Cruz noong 2016 at ang pag-aaya ng coffee date kay Erich Gonzales sa pamamagitan ng isang billboard noong 2017.

Ngayon naman ay nag-alay ito ng isang pulang Ford Mustang na napapaligiran ng napakagandang mga bulaklak na tinawag niyang “Bouquet of Mustang”.

Ayon kay Gaza, deserving si Nadine na maging kauna-unahang babae sa bansa na makatanggap ng “Bouquet of Mustang” bilang isang Valentines gift.

Sa kanyang facebook post, inamin ni Xian na KSP na talaga ito nuon pa at inalala ang mga ginawa nuon sa mga natitipuhang mga babae tulad nila Ella Cruz at Erich Gonzales na talaga namang gumimbal sa socmed sa bansa.

Pero bukod sa kanyang sikat na mga galawan, tanyag rin si Gaza bilang isang scammer.

Nasintensyahan na rin siya ng Malabon Metropolitan Trial Court dahil sa paglabag ng Bouncing Check Law.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *