Connect with us

Entertainment

‘Beauty and the Beast’ version ni Marcelito Pomoy, pinamalas sa Grand Finals ng AGT

Published

on

Photo from the web

Muling ipinamalas ng Pinoy pride na si Marcelito Pomoy ang kanyang talento sa pagkanta nang awitin nito ang kantang Beauty and the Beast sa kaniyang performance sa Grand Finals ng America’s Got Talent.

Gamit ang kaniyang dalawang boses na pambabae at panlalaki, ibinirit ni Pomoy ang kanta na orihinal na pinasikat nina Celine Dion at Peabo Bryson.

Standing ovation ang ibinigay ng audience kay Marcelito gayundin ang tatlong judges na sina Heidi Klum, Alesha Dixon at Howie Mandel.

Ayon kina Klum at Mandel, kahit na nakita na nila ang una at ikalawang performance ni Marcelito ay hindi nila mapagkakaila na nasosorpresa  at nagugulat pa rin sila sa performance nito.

Perfect song choice naman ang ikinomento ni Dixon para kay Marcelito.

Tanging si Simon Cowell lamang ang judge na hindi nagbigay ng standing ovation kay Marcelito.

Sinabi nito na bagaman hindi maitatanggi ang talento ni Marcelito, sana ay nagpakita ang Pinoy ng performance na labas sa kaniyang comfort zone.

Itutuloy pa ngayong araw ang performance ng ibang grand finalists na sina; V.Unbeatable, Silhouettes, Boogie Storm, Angelina Jordan, Alexa Lauenburger, Hans, Sandou Trio Russian Bar, Duo Transcend, and Tyler Butler-Figueroa at saka malalaman kung sino ang tanghaling“ultimate title ng America’s Got Talent World Champion”.

Si Marcelito ay ang grand winner ng Pilipinas Got Talent noong 2011.

Source: CNN Philippines

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *