Connect with us

Entertainment

Shakira, Jlo nag-tandem sa 2020 Super Bowl Half Time Show

Published

on

Photo courtesy| popcrush.com

MIAMI – Umapoy sa init ang entablado ng Hard Rock Stadium in Miami, Florida dahil sa bonggang performance nina Jennifer Lopez at Shakira sa halftime show ng Super Bowl LIV.

Nagpamalas ng kanilang galing sa pag-awit at paggiling sina J.Lo at Shakira na first time mangyari sa history ng Super Bowl.

Si Shakira ang nagbukas ng halftime show dressed in a fringed red outfit habang inawit niya ang songs na “She Wolf” and “Empire,” and Led Zeppelin’s “Kashmir” kunsaan tinugtog niya ito sa isang bedazzled electric guitar.

Muling pinakita ng Colombian diva ang kanyang signature belly dance sa 2001 hit song niya na “Whenever, Wherever” habang sinamahan siya ng Latin trap superstar na si Bad Bunny na nag-perform ng “I Like It” ni Cardi B.

Nagpabuhat naman sa crowd si Shakira sa kanyang pag-awit ng “Hips Don’t Lie”.

Nanggulat naman si J.Lo sa kanyang portion in a black-leather biker’s outfit to the tune of “Jenny from the Block” and “Ain’t It Funny”.

Pinakita naman niya ang kanyang famous pole-dance routine from her film Hustlers habang inaawit niya ang 1999 hit single na “Waiting for Tonight”.

Special guest ni J.Lo si J Balvin na nakasama niya sa pag-awit ng “Mi Gente” at “Love Don’t Cost a Thing”.

Isang kid’s choir naman ang nakasama ni J.Lo sa “On the Floor” number. Sa 14-minute performance, sinigaw ni J.Lo ang word na “Latinos” sa audience habang inaawit niya ang “Let’s Get Loud” morphed into a rendition of “Born in the U.S.A.” by Bruce Springsteen.

Suot niya ay isang feathered cape in a stars-and-stripes design and American flag on one side, Puerto Rican on the other.

Nagsanib-puwersa ang dalawang Latina sa awiting “Waka Waka (This Time for Africa),” na theme song ng 2010 World Cup.

“Muchas gracias” at “Thank you so much” ang sinigaw nina J.Lo at Shakira sa pagtatapos ng kanilang mainit na halftime show performance. –Abante.com.ph

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *